subukan natin ang Filipino
unang sulat ko d2 na hindi ingles. subukan ko naman dumaldal ng walang saysay sa salitang nakagisnan ko. bakit 'ka n'yo? wala lang. wala akong magawa eh. basa lang walang pakialaman hehehe.
ano nga bang ikukwento ko? ah! puyat ako kagabi at halos umaga na ko nakauwi. nanggaling ako kina JM,
despedida party ni Lyza, pinsan nya. babalik na si Lyza sa Australia, kung saan naroon ang magulang at trabaho nya. paano? mahabang salaysayin, sumakay ka na lang. pagkatapos kumain ng kumain ay
beer at baraha naman ang hinarap namin, ang mga matatanda nasa loob, mahjongg naman ang labanan. si Omar nga pala nandoon din kagabi, naligayahang tunay sa larong
'in-between', nilabas lahat ng pera sa bulsa! basta ako nanalo ng singkwenta pesos. pamasahe din yun aba.
dumating mga kaibigan ni Lyza, na napagkatuwaan naman ni Marivic, ang yaya nila sa bahay. hala walang tigil sa ulit ng kwento at pagpapatawa. sabi niya dalawa daw ang kaarawan nya, September 9 at August 9. nung nanganak daw kasi ang nanay nya sa kanya ng August 9, lasing ang tatay nya, kaya ang naisulat sa
birth certificate ay September 9. kaloka.
mainam ba ang paggamit ko ng Filipino? d ko naman sinasabing bihasa ako sa ingles, pero hindi rin madali ang paggamit ng Filipino ah. nagiisip pa ko ng sasabihin syet.
next time na ulit. hinahanap na ko ni Mabel,
cancer break na.
jan's blah blah @
4:45 PM