april's fool
hindi ko alam. maloloka na yata ako. naloloka na ko sayo. 'eto ka, 'eto ka ulit, 'eto ka na naman. bukas nandito ka na naman. kinikilig ako, natutulala, lumulutang.
ano ba? gusto mo ba ko? gusto mo din ba ko? tanungin pa ba ko nyan? di pa ba halata? sobrang gusto kita noh.
paano nga ba tayo nagsimulang magkausap? hindi ko na maisip. ang naaalala ko lang, sa yosi
break tayo nagkasama, tapos naulit na ng naulit. malungkot 'pag wala ka sa lobby. sabi nila hinahanap mo naman ako pag ako ang wala. saya noh? nami-miss natin ang isa't-isa. yosi break pa lang yun. naks.
ayan na 'eto ka na ulit. ha? magpapa-bp ka? dun sa kabila may
nurses hindi dito. hindi ako marunong. ah sige dito ka muna. wag ka na ngumiti d ako makahinga. ang lamig. hindi ako makakilos. maupo ka. wag ka tumayo sa likod ko baka mabasa mo 'to. nakakahiya.
last week nagpa-bp ka na din di ba? high blood ka. sabi ng doctors natin
tension headache lang.
stressed ka pala. isip ka cguro ng isip. wag mo na isipin yun, d ka naman nya iniisip eh. ako iniisip kita. palagi pa nga eh.
wag mo na i-deny yang picture. hindi mo
girlfriend? eh bakit sya ang
wallpaper ng
cellphone mo? okay lang hindi naman kagandahan eh. wala din naman ako magagawa. hanggang 'sana' lang ang kaya ko. sana ako na lang.
minsan nag
text ka sakin, sinabi mo lahat yung mga ginagawa ko, nagulat ako, paano mo nalaman? yun pala sinisilip mo ko d2 sa
work area ko. haay... may aasahan kaya ako sayo? gagong tanong di ba. syempre wala. kanta na lang ako "pangarap ka na lang ba, o magiging katotohanan pa..." .
gustuhin ko man sabihin sayo na umiwas ka na sakin para hindi na ako mahulog ng husto sa'yo, hindi rin naman pede, kasi nga ayaw ko din. alangan naman na umiwas ako sa'yo. mas pangit na
idea yun.
ano na kaya ginagawa mo ngayon? 6pm na pala malapit ka na umuwi. iniisip mo din kaya ako?
sana magkita ulit tayo bukas. makipagtitigan ka ulit sakin bukas. hawakan mo ulit ang baywang ko habang sabay tayong naglalakad. sandalan mo ulit ako habang nagyoyosi tayo. idantay mo ulit ang mga balikat mo habang naghihintay tayo sa
elevator. daanan mo ulit ako d2 sa lugar ko. buuin mo palagi ang mga araw ko.
jan's blah blah @
6:05 PM
5 Comments:
naaliw ako dito... ang sarap ng feeling ng may crush... parang bumabalik ang kabataan mo.. he he he
I am speechless!
While I was reading this, I can't help but have a great, big smile on my face. Parang kinikilig ako habang nagbabasa. Para rin nakakaloka!
And FYI Edwin, Jan is young. You should've put "naaliw ako dito... ang sarap ng feeling ng may crush... parang bumabalik ang kabataan ko.. he he he". Kerek?
Peace!
Back to Jan: Updates ha! Parang kilala ko yan! Kung tama ako, sumayaw yan nung Christmas Party niyo? Kerek ba? Alam na ba ni Mabel yan? Heehee.
albert: hahaha! syempre hndi alam ni Mabel! krompalin ako nun!
edwin: madami ka pa din crush ngaung age mo na yan im sure. lol.
ang cute naman nito! o, kung cno ka man inaantay ka na ng lola kong kagandahan! ;p kakakilig nga ung feeling na may inaabangan kang crush. un tipong excited ka pumasok dhel sa kanya, ganado ka magtrabaho dhl makikita mo cia.. ung dadaan ka sa my workstation nia para lang masulyapan cia.. un ganun.. haaay!
albert: actually mali talaga.. it was supposed to be "ko"..
jan: may crush ako nga sa gym.. as in! napapa Juice Ko na lang ako kapag nakikita ko sya.. haaaay!
Post a Comment
<< Home